^

Metro

Parking boy tiklo sa tangkang panggagahasa

-

MANILA, Philippines - Dahil sa amoy pawis, na­kaligtas sa kamay ng man­yakis na parking boy ang isang 19-anyos na da­laga ma­tapos na dalhin ang una sa isang apartelle para ga­hasain kahapon ng mada­ling-araw sa lungsod Quezon.

Ito ang nabatid maka­raang personal na mag­tungo sa himpilan ng Que­zon City Police District- Station 10 ang biktimang iti­ nago sa pangalang Angel, ng Rodriguez, Rizal para humingi ng tulong laban sa suspek na si Crizen Gam­boa, 26, binata ng Rd. 10, Lot 15, Area 6, Edsa.

Ayon sa biktima, nang­yari ang insidente nang hu­mingi siya ng tulong sa sus­pek para magpa-charge ng cellphone battery.

Nagkusa naman ang suspek at inalok ang bik­tima na sumama sa kanya sa Season apartelle sa Sct. Delgado St., Barangay Laging sa Quezon City upang doon mag-charge ng kanyang cell phone.

Pagpasok sa loob ay bigla na lamang umanong tinakot ng suspek ang bik­tima sabay puwersang paghubarin siya ng damit at paghahalikan.

Sinabi ng biktima na, nang magawi ang halik ng suspek sa kanyang kase­la­nan, nilansi niya ito at pi­na­kiusapan na pupunta muna siya sa banyo para huga­san ito dahil amoy pawis siya.

Pumayag naman ang suspek ngunit pagtayo ng biktima ay agad nitong bi­nuk­san ang pinto ng ku­warto saka mabilis na tumakbo papalayo hang­gang sa hu­mingi ng tulong sa barangay tanod. (Ricky Tulipat)

AYON

BARANGAY LAGING

CITY POLICE DISTRICT

CRIZEN GAM

DAHIL

DELGADO ST.

EDSA

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with