^

Metro

LRT contractor hihingan ng paliwanag sa trapiko

-

MANILA, Philippines - Nangako si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando na sosolus­yunan ang napakabigat nang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA mula Monumento, Caloocan City hanggang North Avenue sa Quezon City dulot ng konstruksyon ng Light Rail Transit Extension.

Inamin ni Fernando na napakarami nang reklamo silang natatanggap buhat sa mga motorista na du­maraan sa Monumento patungo ng Makati City at buhat sa North Luzon Expressway na dumaraan sa Balintawak, Quezon City kung saan higit sa isang oras ang itinatagal bago makalagpas sa mabigat na trapiko.

Napapansin ng mga motorista na malaking espasyo ng EDSA ang ino­okupa ng mga kontraktor ng proyekto kung saan maliit na bahagi ng kalsada na lamang ang nadara­anan ng mga sasakyan kaya nagkaka­roon ng “bottleneck”.

Dahil dito, sinabi ni Fernando na makikipag-ugnayan sila sa mga kon­traktor ng proyekto na kumpanyang “DM Con­sunji at First Balfours” upang magawan ng pa­raan ang naturang prob­lema.

Nabatid na pawang mga lokal na mga kon­traktor ang nagsasagawa ngayon ng konstruksyon ng LRT Extension na nag­kakahalaga ng P6.7 bilyon. Inumpisahan ito no­ong Hunyo 12 at nagma­ma­daling makumpleto ito sa Enero. (Ricky Tulipat)

CALOOCAN CITY

FERNANDO

FIRST BALFOURS

LIGHT RAIL TRANSIT EXTENSION

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

MONUMENTO

NORTH AVENUE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with