^

Metro

Pulisya bigo sa Alvin Flores Gang

-

MANILA, Philippines - Matapos ipagmalaki na kilala na nila ang mga miyembro ng grupong nanloob ng Greenbelt 5 sa Makati City, bigo pa rin ang National Capital Region Police Office na maaresto ang mga ito isang linggo makaraan ang marahas na panloloob.

Sinabi ni NCRPO spokesman Supt. Rommel Miranda na nakatutok pa rin sila sa “operational aspect” ng imbestigasyon kung saan patuloy pang hinihimay ang iba’t ibang anggulo ng kaso.

Tumanggi rin ang opisyal na ihayag kung kailan madadakip ang mga miyembro ng Alvin Flores robbery gang na siyang nasa likod hindi lang ng panloloob sa Greenbelt ngunit maging sa iba’t ibang esta­ blisi­miyento sa Metro Manila mula pa noong nakaraang taon.

Sa kabila nito, tumututok rin naman ang NCRPO sa pagpapalakas ng kanilang “surveillance system” sa Metro Manila. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALVIN FLORES

DANILO GARCIA

MAKATI CITY

MATAPOS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

RIN

ROMMEL MIRANDA

SINABI

TUMANGGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with