^

Metro

Driver ng US Embassy nambastos ng traffic enforcer

-

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ngayon ang isang empleyado ng US Embassy na umano’y umabuso at nambastos sa isang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) noong Oktubre 16. Personal na nagtungo sa tanggapan ng Manila City Hall Re­porters’ Association (MACHRA) si Modesto Caguioa ng MTPB upang hingin ang tulong ng mamamahayag na matunton ang isang Joseph Fernandez na nagpakilalang taga-US Embassy sa pama­magitan ng kanyang ID. Sa pahayag ni Caguioa, dakong alas-12 ng tanghali, habang siya ay nagta-traffic sa panulukan ng P. Burgos at Almeda Streets nang biglang humarurot sa red light si Fernandez kung saan muntik nang masalpok nito si Tony Cunanan na isa ding news photo­grapher na sakay din ng motorsiklo. Dahil dito, ipinasya ni Caguioa na sundan si Fernandez upang sabihin ang kanyang paglabag. Su­balit laking gulat ni Caguioa nang mag­labas ng calling card at magpakilalang taga-US Embassy si Fernandez at hinamong sampahan siya ng kaso. Ang calling card ay may logo ng US Embassy kung saan nakasaad na si Fernandez ay driver at may call sign na ‘Falcon.’ (Doris Franche)

ALMEDA STREETS

BURGOS

CAGUIOA

DORIS FRANCHE

FERNANDEZ

JOSEPH FERNANDEZ

MANILA CITY HALL RE

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MODESTO CAGUIOA

TONY CUNANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with