^

Metro

PNP inalerto sa Undas

-

MANILA, Philippines - Nagdeklara na kahapon ng ‘heightened alert ‘ kasabay ng paglalatag ng security measures ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng tradisyonal na paggunita sa Todos los Santos o Araw ng mga Patay sa darating na Nobyembre 1.

Ayon kay PNP Chief Director General Jesus Verzosa, isinailalim na nila sa heightened alert status ang buong units ng kapulisan upang magbigay proteksyon sa publiko laban sa mga elementong kriminal at maging sa teroristang grupo na posibleng magsamantala sa okasyon.

Sinabi ni Verzosa na ang hakbang ay naglalayon ring matiyak ang kahandaan ng mga police units at personnel upang gampanan ang kanilang mga tungkulin.

Alinsunod sa kautusan ni Verzosa ang lahat ng mga Police Regional Offices ay magsasagawa ng security measures sa mahabang weekend holiday kung saan inaasahan na milyong mga katao ang dadagsa sa mga pampublikong sementeryo at memorial parks para dalawin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Nag-isyu rin ng Letter of Instruction (LOI) 68/09 si Verzosa kaugnay ng ipatutupad na alituntunin sa isasagawang con­tingency plans, public security measures, security coverage at iba pang uri ng serbisyo publiko na ipagkakaloob ng PNP sa mamamayan sa All Saints Day at All Souls Day.

Samantala, kaugnay naman ng inaasahang pagkaka­buhul-buhol ng daloy ng trapiko sa pagdagsa ng mga commuters na papasok at lalabas sa Metro Manila upang magtungo sa mga pro­binsya ay nagtatag na rin ng Public As­sist­ance Centers sa kahabaan ng highways at mga pangunahing lansangan pa­tungo sa North at South Expressways.

Inatasan rin ni Verzosa si NCRPO Chief Director Roberto “Boysie” Rosales na paigtingin ang police visibility sa mga ter­minal at mga daungan ng mga sasakyan. (Joy Cantos)

ALL SAINTS DAY

ALL SOULS DAY

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF DIRECTOR ROBERTO

JOY CANTOS

LETTER OF INSTRUCTION

METRO MANILA

NATIONAL POLICE

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with