Partner in crime:Mag-asawang holdaper, timbog
MANILA, Philippines - Isang mag-asawa na sinasabing hindi lang partner sa buhay kundi partner din in crime ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya bago pa man sila muling makapangholdap ng taxi driver sa lungsod Quezon.
Nahulog na rin sa kamay ng mga awtoridad ang matagal nang pinaghahanap na mag-asawang partner in crime na nakilalang sina Ronald Oc tavio, 31, at Belinda, 34.
Nadakip ang mag-asawa kamakalawa ng gabi sa Congressional Avenue sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City.
Ayon kay Supt. Marcelino Pedrozo Jr., ng QCPD-DPIOU na ang mag-asawa ay kapwa nakumpiskahan ng mga kutsilyo matapos maaresto.
“Notorious ang mga ito kaya nga kabilang sila sa aming COPLAN (case operation plan).
Nabatid na ilang taon na rin ganito ang modus operandi ng mag-asawa ang magkunwaring mga pasaheo ng taxi at pagkatapos ay kanilang hoholdapin. Kadalasan namimili pa ang mag-asawa, yung may katandaan na at hindi na kayang lumaban ang kanilang binibiktima.
Isa sa naging biktima ng mga ito ay ang 69-anyos na si Domingo Aguilar Jr. na positibong kumilala sa mag-asawa na siyang sumakay sa kanyang minamanehong taxi at hindi nagtagal ay tinutukan siya ng patalim saka hinoldap.
Matapos maaresto inamin naman ng mag-asawa na sangkot nga sila sa panghoholdap at nagawa lamang nila ito dahil sa kapwa sila walang mahanap na trabaho para masuportahan ang kanilang tatlong anak. (Dagdag ulat ni Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending