^

Metro

Trader itinumba matapos kumain

-

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang napatay makaraang pag­ba­­ba­­ri­lin ng isa sa tatlong lalaking lulan sa isang motorsiklo habang papala­bas ng isang res­taurant sa Quezon City kahapon.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nakilala ang bik­tima na si Delfin Gener Santos, 59, ng Brgy. La­ging Handa sa lungsod. Mabilis namang tu­ma­kas ang mga suspect matapos ang isinaga­wang krimen.

Ayon kay William Chua, may-ari ng Ping­ping Lechon, ang natu­rang bik­tima ay suki umano ng ka­nilang res­taurant at kilala ito sa alyas Boy. Sina­sabing nangyari ang insidente sa harap mismo ng Pingping Le­chon na matatagpuan sa La Loma A. Bonifacio Ave­nue corner Mariveles St., Brgy. Paang Bundok sa lung­sod pasado ala-1 ng hapon. Sinasabing ang mga suspek na nagkunwa­ring kustomer kung saan da­lawa sa mga ito ang ku­makain habang ang isa ay naka­hiwalay na umi­inom ng softdrinks na ma­tagal nang naghihin­tay sa nasabing restaurant.

Kasalukuyang kuma­kain din sa lugar ang bik­tima kasama ang apat pang kalalakihan na hinin­tay na makatapos ng mga suspek. Matapos kumain at palabas ng nasabing res­taurant ang biktima nang lapitan ng mga suspek at pagbabarilin.

Matapos bumulagta ang biktima ay mabilis na nagsipagtakas ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo. Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na siyang ugat ng agarang pagka­matay nito.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng awto­ridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng bik­tima at ng mga nasabing salarin. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

BONIFACIO AVE

BRGY

DELFIN GENER SANTOS

LA LOMA A

MARIVELES ST.

MATAPOS

PAANG BUNDOK

PINGPING LE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with