Ex-OFW patay sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Basag ang ulo ng isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na agad na ikinamatay nito makaraang barilin ng isa sa tatlong armadong kalalakihan sa lungsod Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Cesario Costuna,35, biyudo at naninirahan sa Sampaguita St.Brgy.Holy Spirit sa lungsod.

Sa ulat nangyari ang insidente sa may Riverside St., Unit-3, Brgy. Commonwealth sa lungsod. Ayon sa saksing si Roberto Eugenio, isang barbero, kasaluku­yang nagpapahinga siya sa loob ng kanyang barberya nang makarinig siya ng mga putok ng baril mula sa labas nito. Nang kanya itong silipin ay nakita niya ang dalawang kalalakihan na binabaril ang biktima habang nakahiga sa kalsada. Matapos ang pamamaril ay agad na umalis ang mga suspek patungo sa naghihintay na isa pang kasamahang may dala ng motorsiklo at saka nagsi­pag­takas.Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang motibo ng nasabing pamamaril at makilala ang mga suspek. (Ricky Tulipat)

Show comments