^

Metro

Taxi driver hinoldap na, kinatay pa

-

MANILA, Philippines - Hinoldap na kinatay pa ang isang tsuper matapos matagpuan ang bangkay nito mismo sa loob ng pina­pasada nitong taxi kaha­pon ng umaga sa Makati City. Kinilala ang biktima sa pa­ngalang Moymoy Ca­lamba, 35, ng Muzon, Ma­rilao, Bulacan, nagtamo ito ng tadtad na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, blanko pa ang pulisya hinggil sa mga suspek na pumatay at humoldap sa nabanggit na biktima.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, dakong alas-5:30 ng umaga nang datnan ng mga kagawad ng Police Community Precinct 4 ang bangkay ng biktima mismo sa pinapasada nitong GSMJ taxi (PYA-148) sa Yulo St., Brgy. Pio del Pilar. Ayon sa pulisya, hindi agad nakilala ang bangkay ng biktima dahil tinangay ng mga holdaper ang lahat ng kanyang kinitang salapi, cellphone at ID bago ini­wan ang bangkay sa liku­rang bahagi ng minama­neho niyang taxi. Kung saan nakilala lamang ang biktima nang magtungo sa PCP-4 ang kanyang ope­rator na si Ceril Sta. Maria ma­tapos mabatid ang nangyaring krimen. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BRGY

BULACAN

CERIL STA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MOYMOY CA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SHY

YULO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with