^

Metro

Kasong kriminal vs Hayden Kho, tuloy

-

MANILA, Philippines - Ipinasusulong na ng Department of Justice (DOJ) sa korte ang kasong kriminal laban kay Dr. Hayden Kho ka­ugnay sa kontrobersyal na video scandal nila ng aktres na si Katrina Halili.

Batay sa 24 na pahinang resolution ng DOJ, ay nakitaan ng probable cause para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 si Kho.

Ibinasura naman ng DOJ ang reklamo laban kina Dra. Vicky Belo, Erick Johnston Chua, Dr. Herbert Rosario, at Princess Marie Velasco. Kasabay nito ay inatasan naman ng DOJ ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsa­ gawa pa ng karagdagang imbestigasyon para sa iba pang maaaring naging paglabag nina Kho, Belo, Chua, Rosario, Velasco at iba pa.

Magugunita na inireklamo ni Halili si Kho at iba pang nabanggit dahil sa pag­ kuha nito ng video ng kanilang mga priba­dong aktibidad nang walang pahintulot ng aktres. (Gemma Amargo-Garcia)

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN

CHILDREN ACT

DEPARTMENT OF JUSTICE

DR. HAYDEN KHO

DR. HERBERT ROSARIO

ERICK JOHNSTON CHUA

GEMMA AMARGO-GARCIA

KATRINA HALILI

KHO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PRINCESS MARIE VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with