^

Metro

Tone-toneladang 'botcha', nasamsam

-

MANILA, Philippines - Sa kabila ng makailang ulit na pagsalakay ng awtoridad sa Balintawak market dahil sa pagbe­benta ng hot meat, tila wala talagang takot ang mga negosyante na nagbebenta nito makaraang muling makasamsam ang mga awtoridad ng tone-tonela­dang botcha kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Dr. Eduardo Ob­lina, ng National Meat Ins­pection Services (NMIS), sinisimulan muli ng mga negosyante ang ganitong ka­lakalan sa pag-aaka­lang makakalusot sa ma­higpit nilang operasyon.

Isinagawa ang operas­yon sa pangunguna ng La Loma Police Station 1, Task Force Bantay Karne (TFBK) at NMIS, makara­ang makatanggap ng im­pormasyon ang kagawaran na nagkalat na naman ang nagbebenta ng botcha sa nasabing palengke.

Sa sorpresang pagsa­lakay ay naaktuhan sa ilang mga tindahan sa labas ng nasabing pa­lengke ang mga double dead na karne. Wala na rin ang mga nagtitinda ng mga nasabing karne nang sa­la­kayin ito ng mga awtoridad.

Ayon sa NMIS, posib­leng ang mga karne ay mga namatay mula sa naka­raang insidente ng bagyong Ondoy o Pepeng at dinala sa nasabing pa­lengke para ibenta.

Sinasabing madalas na kagatin ng mga mamimili ang ganitong uri ng karne dahil mura ang iniaalok na presyo nito kaysa sa lehiti­mong karne na galing sa inspections. (Ricky Tulipat)

AYON

BALINTAWAK

DR. EDUARDO OB

ISINAGAWA

LA LOMA POLICE STATION

NATIONAL MEAT INS

RICKY TULIPAT

SHY

TASK FORCE BANTAY KARNE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->