^

Metro

Chief security ng Greenbelt 5, pumalag

-

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ni retired PNP General Edgar Aglipay, pinuno ng security agency ng Green­belt Mall, ang hindi paki­kipagbarilan ng kanilang mga security guards sa mga mi­yembro ng “Alvin Flores Gang” dahil sa mas prayori­dad nila ang kaligtasan at buhay ng kanilang mga ino­senteng kostumer.

Idiniin ni Aglipay, dati ring hepe ng PNP, na ayaw nilang maulit ang naganap na ma­dugong December 2008 shoot­out sa Parañaque City kung saan 16 ang nasawi ka­bilang ang ilang sibilyan dahil sa pakikipagbarilan ng mga pulis sa mataong lugar.

Ngunit inamin naman nito na nagka­roon sila ng pagku­kulang sa seguridad dahil sa nabigo siya na makipagkoor­di­nasyon sa hepe ng Makati City Police ng pumasok ang mga armadong kalalakihan nagpaki­la­lang mga pulis.              

Sa kabila nito, mistulang sinabi ni Aglipay na hindi lang maaaring isisi sa security agency ng Greenbelt ang pag­lusot ng mga holdaper dahil sa may pinaiiral naman na tina­tawag na “Makati­shield”. Naka­paloob dito ang kooperasyon ng security agency ng Green­belt, mga security ng iba’t ibang malls sa Makati, mga barangay tanod, tauhan ng PCP at mga nakaistasyong tauhan ng Re­gional Mobile Group ng Na­tional Capital Region Po­lice Office at SWAT ng Makati police na dapat ay nagtutu­lung-tulong sa seguridad.

Iginiit nito na hindi na na­gawa pang maawat ang pag­pasok ng armadong mga sus­pek dahil sa agad na napa­dapa ang inabutang nag-iisang guwar­diya habang na­iradyo naman nila sa Makati police ang insidente. Inamin rin ni Aglipay na mas inuna nila na palabasin ang mga nagpa-panic na mga kos­tumer ng mall at huwag mag­­papasok ng iba kaysa maki­pagbrilan sa mga holdaper upang maiwasan ang pagda­nak ng dugo ng mga inosen­teng sibilyan. (Danilo Garcia at Joy Cantos)

vuukle comment

AGLIPAY

ALVIN FLORES GANG

CAPITAL REGION PO

DANILO GARCIA

GENERAL EDGAR AGLIPAY

JOY CANTOS

MAKATI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with