^

Metro

Retired nurse, pasyente timbog sa abortion

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kapwa inaresto ng mga ta­uhan ng Manila Police District (MPD) ang isang umano’y retired nurse at pasyente nito habang nasa aktong isinasa­gawa ang paglalaglag ng nasa sinapupunan ng huli, sa Makati City, sa ulat kahapon.

Hawak ngayon ng MPD-District Police Intelligence and Operation Unit (DPIOU) ang mga suspek na sina Paz Dies­tro, alyas “Lola Paz”, 76, bi­yuda, retired nurse ng Malo­los St., Brgy. Olympia, Makati City at Evelyn Sicosana, alyas Rhea, ng Pasay City. Si Sico­sana ay kasalukuyang gina­gamot sa Ospital ng Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon nang ma­aresto ang mga suspek sa loob ng isang bahay sa Ma­lo­los St., Brgy. Olympia, Ma­kati City. Nabatid na isinup­long ng isang Grace Dabuet sa Manila Police ang maga­ganap na pag-aabort ng sus­pek at itinuro ang lugar sa Makati.

Nang makipag-transak­syon kay Dabuet ang abortion agent na si alyas “Becka’, sa harapan ng Quiapo church at sumakay ng isang taxi ay bi­nuntutan na sila ng mga ope­ratiba. Nang sumapit sa na­sabing lugar, tinimbrihan ni Dabuet ang mga awtoridad kaya pinasok ang bahay sa aktong nagsasagawa ng abortion operation si Diestro sa pasyenteng si Sicosana.

Gagamiting ebidensiya sa kasong paglabag sa Article 256 at 259 na inihain kay Dies tro ang mga nasamsam na kagamitan sa pampalaglag at maging ang isang fetus na nasa 3 hanggang 4 na bu­wang gulang na tinanggal sa sinapupunan nito, na naka­lagay pa sa isang arenola.

BRGY

DABUET

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE AND OPERATION UNIT

EVELYN SICOSANA

GRACE DABUET

LOLA PAZ

MAKATI CITY

MANILA POLICE

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with