^

Metro

'Thrill killer' ng Tondo, arestado

-

MANILA, Philippines - Arestado ang itinuturing na thrill killer at ‘Public Enemy no. 1 ng Tondo’ na responsable   sa ‘unsolved cases’ ng pamamaril sa mga bystanders kabilang ang dalawang nursing students na kanyang napatay sa nabanggit na lugar.

Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng NBI at MPD ang suspect na si Vic John Encinas, alyas Moymoy, 15, ng Mata St., Tondo, May­nila. Siya ang lider ng Tres Puntos Gang, na nakilalang notoryus sa walang habas na pamamaril sa mga taong kanyang mada­raanan habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa erya ng Tondo.

Base sa report, matagal na umanong gawain ng siga ang pamamaril kahit walang dahilan kaya marami na ang natatakot na lumabas ng bahay simula nang mambiktima siya noong “Mahal na Araw” sa isang “Pabasa o Pasyon”. Naging susi sa pagtukoy sa kanya at pagkakaaresto ang isa sa kanyang naging biktima na masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan na si Vincent Tordera Jr., na siyang nagbigay ng testimonya hinggil sa ginawang pamamaril sa kanila at sa dalawa niyang ka­samang nursing students na napatay ng suspek.

Nabatid na noong Agosto 3, 2008 nang si Tordera at ang nursing students na sina Bryan Lorenzana at Ricky Almario ay naglalakad pauwi matapos manggaling sa “Pabasa” nang madaanan ng nakamotorsiklong suspek at pagbabarilin. Nasawi ang dalawa at si Tordera ang sinuwerteng makaligtas .

Si   Encinas ay namataan kamakalawa na naki­kipag-inuman sa kaniyang gang mates sa Tondo kaya agad ipinaalam sa NBI at MPD-station 1 na doon siya inaresto ng mga awto­ridad. Ilang kaso pa ang bineberipika na nag-sa­sangkot kay Encinas. (Ludy Bermudo)

BRYAN LORENZANA

LUDY BERMUDO

MATA ST.

PABASA

PUBLIC ENEMY

RICKY ALMARIO

TORDERA

TRES PUNTOS GANG

VIC JOHN ENCINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with