^

Metro

BFP nagbabala sa gumagalang pekeng fire safety inspectors

-

MANILA, Philippines - Kadalasan ginagamit ngayon ng mga masasamang ele­mento ang pagsuot ng uniporme ng awtoridad para maka­pam­­biktima, kaya naman sa panig ng Bureau of Fire Protection nagba­bala ang mga ito sa publiko na mag-ingat sa mga indibiduwal na nagkukunwaring Fire Safety Inspectors.

Aksyon ito ng pamunuan, matapos na maaresto ni Chief Insp. Samuel Tadeo, Fire Marshal ng Makati City Fire Depart­ment, ang limang kalalakihang nagkunwaring mga legitimate Fire Safety Inspectors na nakilalang sina Renald L. Solidum, Renato B. Nabaya, Jeroul D. Lingaolingao, Juanito L. Mon at Melvin R. Esposo.

Ayon kay Rolando M. Bandilla Jr., acting Chief ng BFP, sa dami ng mga negosyante na naghihintay para sa releases ng kanilang business permits, kung saan ang clearance mula sa BFP ang pangunahing requirements, ilan sa mga nagma­madaling negosyante ay nagiging biktima ng mga nasabing indibidwal. Dahil na rin sa matagal na paghihintay, mapipilitan ang mga negosyante na pumatol sa mga nasabing suspek sa pangako ng agarang pagpapalabas ng fire safety certificate kahit hindi dumaan sa tamang procedures.

Sinasabing sa pagkakadakip sa mga suspek, nasamsam sa mga ito ang mga kopya ng pekeng dokumento tulad ng mission order, resibo, pekeng identification cards at fire extinguishers. (Ricky Tulipat)

BANDILLA JR.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF INSP

FIRE

FIRE MARSHAL

FIRE SAFETY INSPECTORS

JEROUL D

JUANITO L

MAKATI CITY FIRE DEPART

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with