^

Metro

Dahil sa anak na naiinitan: Ama nag-jumper ng kuryente, todas

-

MANILA, Philippines - Dahil sa pagnanais na maginhawahan ang ba­gong silang na anak, direktang nagkabit ng iligal na kuryente sa poste ng Meralco ang isang 45 -anyos na ama na ikinasawi nito nang madikit sa high tension wire, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Mga tauhan pa ng Meralco ang nag-alis sa pagka­kadikit sa linya ng kuryente ng biktimang si Jose Domingo, dating barangay tanod ng New Antipolo St., Tondo.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa mismong poste ng Meralco malapit sa barangay hall sa New Antipolo st., Tondo.

Sinabi ni Ricardo Domingo, kapatid ng nasawi, na direktang ikinakabit umano ng kanyang utol ang kable sa poste ng Meralco dahil sa kaiiyak ng bagong silang niyang anak na naiinitan.

Nais lamang din umanong may masaksakan ng bentilador ang kapatid niya kaya umakyat sa poste nang madikit sa high tension wire at biglang ma­ngisay.

Sinubukan pang isalba ang buhay nito nang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) subalit patay na nang idating ito. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

DAHIL

JOSE DOMINGO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LUDY BERMUDO

MAYNILA

MERALCO

NEW ANTIPOLO

NEW ANTIPOLO ST.

RICARDO DOMINGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with