Sunog sa barangay hall, mag-ina patay
MANILA, Philippines - Patay isang mag-ina na kaanak ng isang barangay chairman nang masunog ang isang barangay hall sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.
Patay na nang idating sa pagamutan ang mag-inang sina Charina Pineda, 25, at anak nitong si Mark Kenneth, 5, kapwa ng #1320 Mayhaligue St., Tondo. Si Charina ay inatake umano habang isinusugod sa ospital habang si Kenneth ay binawian ng buhay dahil sa suffocation.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas- 3:28 ng hapon nang masunog ang 2-palapag na barangay hall ng Brgy. 262 Zone 24 District 2 sa kanto ng Masangkay at Mayhaligue Sts., Tondo, kung saan inirescue ang apo at anak ng chairman. Nakadagdag sa mabilis na paglaki ng apoy ang umano’y mga pintura sa loob ng barangay hall na sinasabing ginagamit sa renovation dito.
Tinitingnang anggulo ang pag-init ng electricial wiring. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending