^

Metro

Habang naglalaro ng pool, 3 kelot minasaker sa Que­zon City

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang na­sawi makaraang pagba­ba­ri­lin ng may sampung kalalaki­hang pawang na­kasuot ng bon­net sa loob ng kanilang pinagla­la­ru­ang bahay sa Que­zon City, kamakalawa.

Kinilala ni Chief Insp. Ben­jamin Elenzano, hepe ng Homicide Section ng Cri­­minal Investigation and Detective Unit (CIDU) ng Que­zon City Police ang mga biktima na sina Joel Rey Jontilla, alyas Wa­way, 23; Ricardo Culala Jr., 23; at Angelito Sala­zar, 40, pawang taga-Brgy. Com­mon­wealth sa lungsod.

Ang mga bik­tima ay pawang nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa kanilang katawan.

Ayon sa ulat, isa sa tini­­tingnang motibo sa pag­patay ay ang gang war na mada­las uma­nong nang­ya­yari sa na­sabing lugar.

Naganap ang insiden­te, dakong alas-10 ng gabi habang naglalaro ng pool sa loob ng isang bahay sa Pi­nagkaisahan St. ang mga biktima nang pasu­kin ng mga sus­pek at wa­lang sabi-sabing pina­ula­nan ang mga ito ng putok ng baril.

Samantala, bukod sa gang war tinitignan din ng awtoridad ang ulat na sang­kot ang mga ito sa droga at kung may ka­ugnayan ito sa naganap na pamamaril kamaka­ilan sa kilalang mandu­rukot na si Ricky Maba­hin, alyas Lupen, 35, ng Block 10, Lot 8, Brgy. Com­monwealth ng mga nakamotorsiklong sus­pek na pawang naka­suot din ng bonnet. Patuloy ang im­bes­ti­gasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANGELITO SALA

BRGY

CHIEF INSP

CITY POLICE

HOMICIDE SECTION

INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

JOEL REY JONTILLA

RICARDO CULALA JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with