^

Metro

Baha sa Pasig bobombahin na rin

-

MANILA, Philippines - Kailangan pang magtiis ng higit dalawang araw ng mga apektadong residente ng Pasig City na nalubog sa baha dahil sa Linggo pa lamang bobom­bahin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kinalulubugan nilang tubig.

Ito’y  habang hinihintay na­man na makumpleto ang gina­gawang paglilinis sa buong Marikina City na matatapos pa umano sa loob ng 10 araw ma­tapos na bigyang prayoridad ni MMDA Chairman Bayani Fer­nando dahil sa pinakamatinding tinamaan ng kalamidad bukod pa sa sarili niya itong lungsod.

Sinabi ni Fernando na sina­bihan umano siya ng Pangulo na pabilisin ang pagpapahupa sa mga lugar na kasalukuyang pang may baha tulad ng Pasig, Taguig City, Muntinlupa City at Pateros.

Matapos ang 10 araw, saka lamang lilipat ang MMDA sa Pasig City kapag natanggal na nila ang tubig-baha.

Ipinagmalaki ni Fernando na may 36,000 cubic meter ng putik at basura na iniwan ng baha ang kanila nang natanggal sa loob ng 18 araw na walang tigil na trabaho. May 10,000 cubic meter pa umano nito ang natitirang dapat nilang linisin. (Danilo Garcia)

CHAIRMAN BAYANI FER

DANILO GARCIA

FERNANDO

IPINAGMALAKI

MARIKINA CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MUNTINLUPA CITY

PASIG CITY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with