^

Metro

9 na suspect sa Cavite hazing sumuko

-

MANILA, Philippines - Sumuko sa mga ahente ng National Bureau of Investi­gation (NBI) ang dalawang miyembro ng isang fraternity na sangkot sa hazing, habang ang pito pa ay sa Cavite PNP na sangkot sa pagkamatay ng 21-anyos na lalaking recruit, sa nabanggit na lalawigan noong Lunes.

Gayunman, hindi muna pinangalanan ng NBI ang dalawang sumuko.

Kabilang ang mga ito sa suspects sa pagkamatay ng isang Elvis Sinaluan, na isina­ilalim sa initiation rites ng Scout Royal Brotherhood (SRB) fraternity , ang junior version ng Alpha Phi Omega (APO) noong Lunes ng gabi.

Magkasabay umano si Sinaluan at isa pang Creseno Paloma Ligaya, kapwa neo­phytes nang dalhin at isailalim sa hazing sa Alfonso, Cavite ng may 16 na miyem­bro ng SRB.

Lumalabas sa imbestigas­yon na halos 2 oras silang pinalo ng paddle na may 30 segundo lamang ang interval.

Kakain na sana umano ng hapunan ang grupo nang mag­reklamo ang biktima na hindi makahinga at dinala siya sa ospital subalit hindi rin umabot ng buhay.

Nabatid na namamasukan sa auto shop ang biktima upang matulungan ang mga pamangkin sa pag-aaral.       

Bukod sa dalawang sus­pek na hawak ng NBI, pitong iba pang suspek ang sumuko rin sa Cavite-Philippine Na­tional Police habang tinutugis pa ang pitong iba pa.

Ipinagharap na ng kasong paglabag sa RA o Anti- Hazing Law ang 16 na miyembro ng SRB. (Ludy Bermudo)

ALPHA PHI OMEGA

CAVITE

CAVITE-PHILIPPINE NA

CRESENO PALOMA LIGAYA

ELVIS SINALUAN

HAZING LAW

LUDY BERMUDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with