Korean student tumalon buhat 24th floor, lasog
MANILA, Philippines - Isang Korean student ang nasawi makaraang tumalon mula sa ika-24 na palapag ng isang condominium sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Nakilala ang nasawi na si Yong Hoon-Yu, 30, binata, 1st year Hotel and Restaurant Management student sa Trinity Univer sity of Asia College at residente ng Unit 311, Garden Heights condominium sa E. Rodriguez Avenue sa lungsod.
Ayon kay Superintendent Edgardo Pamitan hepe ng Police Station 11 ng Quezon City Police District (QCPD), suicide ang tinitingnan nilang motibo ng pagkamatay ng dayuhan base sa ilang testigo na nakakitang umakyat itong mag-isa mula sa nasabing pa lapag.
Magkagayunman, ayon pa kay Pamitan, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng kanilang tanggapan upang masiguro ang tunay na dahilan ng nasabing insidente.
Ganap na alas-10:30 ng umaga nang umano’y tumalon mula sa nasabing palapag ang biktima matapos na lumabas ng kanyang silid na nasa ikatlong palapag.
Ayon sa empleyado ng gusali, nakita niya ang biktima na sumakay ng elevator saka nagpahatid sa 24th floor nito.
Nang marating ang nasabing palapag ay saka nagpagala-gala sa nasabing lugar. Hanggang makalipas ang ilang minuto ay bigla na lamang may nagsabing may lalaking tumalon sa gusali at nang kanilang tignan ay ang nasabing biktima.
Nabatid na palagi umanong nag-iisa ang biktima at hindi nakikisalamuha maging sa kanyang mga kaklase. Posible umanong may dinadalang malaking problema ang nasawi na naging dahilan nang pagpapakamatay nito.
- Latest
- Trending