Kelot itinumba ng riding in tandem
MANILA, Philippines - Nagkabutas-butas ang mukha at katawan ng isang binata na kilala umano bilang kilabot na mandurukot matapos na tadtarin ng bala ng riding in tandem habang ang una ay umiinom ng alak sa isang tindahan sa lungsod Quezon kamakalawa.
Onsehan sa kasamahan o kumpetensya sa trabaho ang tinitignang motibo ng pulisya sa pamamaril sa biktimang si Ricky Mabahin, alyas Lupen, 35, binata ng Block 10, Lot 8, Brgy. Commonwealth sa lungsod.
Ayon sa ulat lulan sa isang motorsiklo ang mga suspect na armado ng kalibre 45 at kalibre 9 mm na baril.
Sinasabing si Mabahin ay madalas umanong nahuhuli at nakukulong sa Batasan Hills Police Station 6 dahil sa iba’t ibang kaso ng theft at robbery ngunit napapalaya din matapos na hindi na magpakita pa ang mga nagrereklamo laban dito.
Ayon sa mga residente sa lugar kilalang mandurukot umano ang biktima dahilan para mabansagan siyang palayaw na Lupen, isang sikat na cartoon karakter na kilabot sa pandurukot. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending