^

Metro

Bantay salakay na sekyu, huli sa CCTV

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Muling napatunayan ang kahalagahan ng pag­la­lagay ng closed circuit tele­vision (CCTV) camera sa mga opisina o anumang establisyemento dahil sa pamamagitan nito, isang security guard na nakitang nilooban ang binabanta­yang warehouse ang ina­resto na ng mga awtoridad sa lungsod Quezon.

Hindi na nagawa pang makapagsinungaling ng suspek na si Joel Malubay, 23, ng Judge Juan de Luna, Brgy. Bungad sa lungsod nang dakmain ng tropa ng Police Station 7 ng Quezon City Police, ma­tapos na makumpirma ang ginawa nitong pagna­nakaw sa binabantayang Dynasty Warehouse and Up­holstery na matatag­puan sa Monterey St., Cubao.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, lumilitaw na bago ang pag-aresto, nakita mula sa CCTV camera ng kumpanya ang ginawang pagnanakaw ng suspek dito kung saan kitang-kita ang ginawa niyang pagha­halughog sa bawat drawer na nasa loob nito. Kitang kita rin na tinanggal ni Ma­lubay ang CCTV matapos na mapuna niya itong naka­tutok sa kanya.

Ayon sa pulisya, na­buko ang pagnanakaw ng suspek nang mapuna ng may-ari ng shop ang pag­ka­wala ng cctv camera sa kanyang tanggapan kung kaya nagpasya itong panoorin na lamang ang video nito kung saan nakita ang suspek na siyang may kagagawan.

Nabatid na halagang 30 libong piso ang nata­ngay ng suspek sa nasa­bing tanggapan. Nakapiit ngayon ang suspek sa PS7 habang inihahanda ang kasong robbery na isasampa laban sa kanya.

AYON

BRGY

BUNGAD

DYNASTY WAREHOUSE AND UP

JOEL MALUBAY

JUDGE JUAN

MONTEREY ST.

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with