'Acts of God' sa comprehensive policy ok sa Standard Insurance
MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Standard Insurance Inc., Executive Officer Ernesto “Judes” Echauz na isama sa coverage ng comprehensive insurance policy ang “Acts of God” sa property policies, lalo na sa mga sasakyan na napinsala ng baha at iba pang kalamidad.
Ayon kay Echauz, sa ibang bansa, ang comprehensive insurance policy ay sumasakop sa lahat ng contingencies at walang binabanggit na hindi maaaring masaklaw ang AOG.
Ayon naman sa Insurance Association of the Philippines, umabot na sa P1 bilyon ang motor claims noong bagyong Ondoy pa lamang. May 8,000 sasakyan ang covered ng insurance claims.
Dahil dito’y, inatasan ni Pangulong Gloria Arroyo si Trade Secretary Peter Favila na makipagkoordinasyon sa mga car repair shops at towing companies dahil sa pagtaas ng singil para sa towing at repair ng mga sasakyan na lumubog sa baha.
Samantala, tinyak pa ni Echauz sa mga kliyente nila na mas magiging mabillis ang pag-aayos nila sa lahat ng claims sa oras na makapagsumite sa loob ng 30-araw ng proof of loss tulad ng litrato ng binahang kotse.
“Kami lamang ang bukod tanging may AOG add-on na sumasaklaw sa typhoon at flood related claims,” aniya pa.
- Latest
- Trending