^

Metro

Nagpaanak na doktor ipatatawag ng NBI: Gasa naiwan sa loob ng ari ng ginang

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Ipatatawag ng Na­tional Bureau of Investi­gation (NBI) ang doktor ng Phi­lippine General Hospital (PGH) na inirek­lamo ma­tapos makaiwan ito ng gasa (surgical gauze) sa loob ng ari ng isang pas­yen­teng nag­silang ng sanggol.

Nabatid na isu-sub­poena ng NBI-Vio lence Against Women and Child­­ren Division (VAWCD) si Dr. Maricel Reyes, ang obstetrician/gynecologist (Ob-Gyne), kaugnay sa sinasabing kapabayaan nito sa pas­yenteng si Janet Dizon.

Nabatid na isang bu­wan pa ang nakalipas nang madiskubre na may gasang naiwan sa ari ng ginang nang lagnatin at ma­karamdam ng matin­ding pananakit ng tiyan at puwerta si Dizon.

Sa rekord, noong Hun­­yo 20, 2009 nanga­nak si Dizon sa PGH at na-con­fine sa loob ng 15-araw, dahil sa mataga­lang obser­basyon sa kanya, na may sakit din sa puso at kon­dis­yon ng kanyang isinilang.

Noong Hulyo 5 uma­no siya na-discharge at kina­gabihan ay nilalagnat na umano siya sa bahay na hindi umano niya ininda. Nang manakit umano ang puwerta, inisip lamang niya na dahil iyon sa tahi sa pag­­daan ng sanggol sa puwerta.

Noong Hulyo 21, na­pansin niya na parang may nasa loob ng kan­yang ari kaya ipinasuri niya ito sa Jose Reyes Memorial Me­dical Center kinabukasan at doon nga natuklasan ni Dr. Nerissa Gabriel, Ob-Gyne ang nabubulok na gasa sa loob ng kanyang ari.

Kung hindi umano na­tanggal ay posibleng mas lumala ang impeksiyon na maari niyang ika­matay.

Aalamin sa imbesti­gas­yon ang panana­gutan ni Dr. Reyes sa kapabayaan.

AGAINST WOMEN AND CHILD

BUREAU OF INVESTI

DIZON

DR. MARICEL REYES

DR. NERISSA GABRIEL

DR. REYES

GENERAL HOSPITAL

JANET DIZON

NOONG HULYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with