^

Metro

6 pulis sugatan sa drill

-

MANILA, Philippines - Nagdulot ng tensiyon sa Manila Police District (MPD) head­quarters ang hostage-taking drill kahapon ng hapon, nang maging makatotohanan ang pagsabog ng ibinatong flash bomb sa gumanap na hostage-takers, kung saan anim na pulis ang sugatan habang nawasak naman ang halos lahat ng mga bintana ng training room sa U.N, Avenue, Ermita, Maynila.

Ito’y dahil sa gina­nap na Annual General Inspection/Operation Readiness Security Inspection Test and Evaluation ng mga opisyal ng PNP sa Camp Crame sa mga kagawad ng MPD, sa loob ng Manila Police Aca­demy (MPA) building, sa loob ng headquarters. Tumanggi namang pangalanan ang mga sugatang biktima, na pawang minor lamang ang injuries.

Nilinaw naman ni MPD-director Rodolfo Magtibay na improvised bomb lamang ang ginamit sa drill at naging malakas lamang ang impact dahil pawang nakasarado ang salaming bintana ng nagsilbing training room o ang bahagi ng aplayan ng police clearance. (Ludy Bermudo)

ANNUAL GENERAL INSPECTION

CAMP CRAME

ERMITA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE ACA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

OPERATION READINESS SECURITY INSPECTION TEST AND EVALUATION

RODOLFO MAGTIBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with