Sekyu todas sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Isang security guard ang napatay makaraang pagbabarilin ng dalawang kalalakihang sakay ng isang motorsiklo sa lungsod Quezon, iniulat ka­hapon. Dead-on-the-spot ang biktimang si Joseph Catandijan, ng Brgy. Tandang Sora Avenue sa lungsod.

Blangko pa rin ang awtoridad sa pagka­kaki­lanlan sa mga suspek na mabilis na tumakas maka­raan ang insidente. Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa may Capitol Homes Subdivision, na matatagpuan sa Tandang Sora pasado ala-1 ng hapon.

Ayon kay Justin Paul Sapin, vendor, nagba­bantay siya ng paninda malapit sa nasabing lugar nang makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril sa lugar. Matapos ang putukan, nakita niya ang isang motorsiklo na Kawasaki na walang plaka sakay ang dalawang lalake na naka-helmet at humahagibis patungong Sangandaan.

Agad na ipinagbigay-alam ni Justin ang insi­dente sa presidente ng homeowners na si Letecia Quertas ang pangyayari kung saan nila nakita ang walang buhay na katawan ng biktima. Maging ang service firearm na kalibre 38 baril ng biktima ay tina­ngay din ng nasabing mga suspek. (Ricky Tulipat)

Show comments