^

Metro

2 holdaper, 1 tanod dedo sa barilan

-

MANILA, Philippines - Dalawang holdaper at isang barangay tanod ang napatay matapos ang madugong eng­kwen­tro ng mga suspek at ng pulisya ilang minuto makaraang maholdap ang isang Bombay sa Barangay Tandang Sora, Quezon City kamaka­lawa ng hapon.

Isa sa mga napatay na suspek ang kinilala ng pulisya na si Efren Ponce, 38, ng Laporteza Subdivision, Camarin Caloocan City. Ang kan­yang kasa­mahan ay may ta­ttoo ng “Guardians, GPI, Eric” sa ka­nang balikat.

Ang nasawing baran­gay tanod ay nakilalang si Milogen Manginsay, 40, ng Alcantara St., Ban­lat Road, Tandang Sora.

Sugatan din ang mga biktimang sina Nathaniel Sevilla, 44; at Diosdado Baquiran, 38, kapwa mga residente sa nasabing barangay.

Nauna rito, nakipag­ba­rilan ang mga suspek sa mga nagrespondeng pu­lisya at mga barangay tanod na naalarma sa panghoholdap sa isang Bombay na nakilala lang sa pangalang Omar. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ALCANTARA ST.

BARANGAY TANDANG SORA

CAMARIN CALOOCAN CITY

DIOSDADO BAQUIRAN

EFREN PONCE

LAPORTEZA SUBDIVISION

MILOGEN MANGINSAY

NATHANIEL SEVILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with