Carnappers umatake sa Maynila

MANILA, Philippines - Dalawang bagong sasakyan ang tinangay ng mga di kilalang carnappers sa Maynila kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila. Nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section upang magreklamo ang mga biktimang sina Regina Gumabon, retiradong kawani ng Central Bank of the Philippines at residente ng 1056 Panay St., at Frank Chu, residente ng 336 M. dela Fuente St., corner Ramon Magsaysay Boulevard, kapwa sa Sampaloc, Maynila.

 Kapwa kumbinsido ang mga biktima na madaling-araw nang tangayin ang wala pang plakang Isuzu Sportivo ni Gumabon habang ang puting Pajero na may plakang WJT-780 ni Chu ay natangay habang nakaparada sa tapat ng bahay ng kaibigang si Anthony Ang.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung anong grupo ang responsable sa pagkarnap ng nasabing mga sasakyan. (Gemma Garcia)

Show comments