^

Metro

Dump trucks pa sa Que­zon City

-

MANILA, Philippines - Nagdagdag ang Que­zon City Hall ng mga dump trucks at payloaders para sa mas mabilis na paglilinis at pa­ngongolekta ng ba­sura dito lalo na sa mga ilog at estero, na iniwan ng bagyong Ondoy.

Ang pamahalaang lung­sod ng Quezon City ay patuloy pa rin sa pagsasa­gawa ng malawakang clean-up operation sa pama­magitan ng Environmental Protection and Waste Management Department nito kung saan may 362 garbage trucks at 17 payloaders ang nag-ooperate ngayon sa mga lansangan dito. Ang ibang gamit naman ay mula sa Department of Public Works and Highways at mula sa mga barangay.

Una ng inilunsad ni Mayor Feliciano “SB” Belmonte Jr. ang cleanup operations sa Araneta Avenue upang hika­yatin ang mga residente na ma­lapit sa mga ilog at iba pang water­ways na makiisa sa paglilinis dito para maiwa­san ang pagbaha.

Kabilang din sa na­sabing proyekto ang mga pulis, fire personnel at reservists­.

Ang Quezon City river system ay kinabibilangan ng apat na pangunahing ilog at 37 creeks na umu­ugnay sa may 101 ba­rangay. Ang QC ay may 142 barangay. Ang pinaka mahabang river channel sa QC ay ang Tulla­han River at ang pinakamalaki ay ang San Francisco del Monte-San Juan River System. (Angie dela Cruz)

ANG QUEZON CITY

ARANETA AVENUE

BELMONTE JR.

CITY HALL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ENVIRONMENTAL PROTECTION AND WASTE MANAGEMENT DEPARTMENT

MAYOR FELICIANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with