^

Metro

Power grid ng Meralco nasunog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nasunog ang power trans­former ng National Grid Cor­poration of the Philippines (NGCP) Sub-Station sa bayan ng Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi na nagdulot ng ma­tagalang ‘rotating brownout ‘ sa silangang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Mr. Joe Zal­darria­ga, spokesman ng Me­ralco, bunga ng insidente ay nagkaroon ng tatlo hanggang apat na oras na ‘rotating brown­outs’ sa mga apekta­dong lugar na sinusuplayan ng kuryente ng nasabing NGC sub-station.

Kabilang dito ay ang ilang bahagi ng Rizal, mga lungsod ng Pasig, San Juan, Manda­luyong, Marikina at Quezon City.

Batay sa report, dakong alas-9 ng gabi nitong Miyerku­les ng magkaroon ng pag­sabog na nauwi sa pagka­sunog ng transformer ng NGC sub-station sa Brgy. Dolores sa bayan ng Taytay, Rizal.

Mabilis namang nagres­ponde ang mga bumbero na nahirapang maapula ang apoy sa lugar. Ang sunog ay tumagal ng halos isang oras.

Ikinatwiran ni Zaldarriaga na ipinatupad nila ang ‘ro­tating brownouts’ upang ma­bawasan ang epekto ng pag­kasunog ng NGC sa distri­busyon ng kuryente.

Kamakalawa ng gabi ay dumanas na ng brownouts ang Quezon City, ilang bahagi ng Rizal kabilang ang mga bayan ng Cainta, Angono, Taytay, Binangonan at Anti­polo City gayundin ang mga lungsod ng Mandaluyong, Marikina, Pasig at San Juan.

ANGONO

METRO MANILA

MR. JOE ZAL

NATIONAL GRID COR

PASIG

QUEZON CITY

RIZAL

SAN JUAN

SHY

TAYTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with