^

Metro

Sumama sa paglilinis, tanod todas sa dump truck

-

MANILA, Philippines - Hindi akalain ng isang ba­rangay tanod ang boluntaryo niyang pagtulong sa paglilinis ng basura dulot ng bagyong Ondoy ang hahantong sa kan­yang kapahamakan makara­ang aksidenteng magsara ang takip ng dump truck at tamaan ang ulo nito na kan­yang agad na ikinasawi sa lung­sod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Angelito Balana, 28, ng 114 G. Araneta Avenue, Brgy, Tatalon sa lungsod.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Kaliraya St., Brgy Tatalon ganap na alas- 2:30 ng hapon.

Bago ang insidente, bilang pagmamalasakit sa mga na­biktima ng nakaraang bag­yong Ondoy, kasama ang bik­tima ng kanyang kabarangay at puwersa ng QCPD Station 1 para magsagawa ng clear­ing operations sa nasabing lugar.

Habang naglalagay ng nakuhang basura ang biktima sa may Isuzu dump truck (RBT-667) ay aksidenteng su­mara ang takip na bakal nito dahilan upang tamaan ang ulo ng una.

Sa lakas ng pagkakaham­pas, duguang napasubsob ang biktima sa truck dahilan upang agad na sumaklolo ang kasamahang pulis at isinugod ito sa Delos Santos hospital ngunit idineklara din itong patay. (Ricky Tulipat)

ANGELITO BALANA

ARANETA AVENUE

AYON

BRGY

BRGY TATALON

DELOS SANTOS

KALIRAYA ST.

ONDOY

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with