Atienza pinayuhan ni Isko sa underpass

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Manila Vice Mayor Francisco “Isko” Mo­reno si Environment Secre­tary Lito Atienza na huwag mag­hugas-kamay matapos nitong sisihin ang mga opisyal ng pamahalaang-lunsod sa pag­baha sa ilang mga underpass at huwag gamitin ang kala­midad para sa kanyang poli­tical interest.

Ayon kay Moreno, mas da­ pat na imbestigahan si Atienza upang malaman kung ano ang dahilan ng pagbaha at kung may ginawa itong hak­bangin sa paglilinis ng basura at pag­baha sa ilang lugar sa Metro Manila matapos ang pa­nana­lasa ng bagyong si Ondoy.

Sinabi ni Moreno na hindi dapat magturo ng sisi si Atienza dahil wala namang bagyong kasing lakas ni Ondoy ang dumating sa May­nila nang siya ang alkalde kaya wala itong karapatang magsalita na hindi binaha ang Quezon underpass.

Idiniin pa ni Moreno na ang Quezon underpass at Lagus­nilad na nagsisilbing catch basin ay agad ding nalinis mula sa tubig baha matapos ang 18 oras. (Doris Franche)

Show comments