Atienza pinayuhan ni Isko sa underpass
MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Manila Vice Mayor Francisco “Isko” Moreno si Environment Secretary Lito Atienza na huwag maghugas-kamay matapos nitong sisihin ang mga opisyal ng pamahalaang-lunsod sa pagbaha sa ilang mga underpass at huwag gamitin ang kalamidad para sa kanyang political interest.
Ayon kay Moreno, mas da pat na imbestigahan si Atienza upang malaman kung ano ang dahilan ng pagbaha at kung may ginawa itong hakbangin sa paglilinis ng basura at pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila matapos ang pananalasa ng bagyong si Ondoy.
Sinabi ni Moreno na hindi dapat magturo ng sisi si Atienza dahil wala namang bagyong kasing lakas ni Ondoy ang dumating sa Maynila nang siya ang alkalde kaya wala itong karapatang magsalita na hindi binaha ang Quezon underpass.
Idiniin pa ni Moreno na ang Quezon underpass at Lagusnilad na nagsisilbing catch basin ay agad ding nalinis mula sa tubig baha matapos ang 18 oras. (Doris Franche)
- Latest
- Trending