^

Metro

2 pillbox thrower tugis ng pulisya

-

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ng Manila Police District ang dalawang lalaking nambato umano ng pillbox sa kanilang nakasalubong na tao sa Algeciras St., Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek na sina Erwin Cabildo at Edison Dizon.

Inireklamo nina Erwin Jose, 32, at Danilo Miranda, 24, kapwa residente ng Algeciras St. kay PO3 Ronald Santiago ng MPD-Station 4 na, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa naturang lugar.

Sinabi ng sina Jose at Miranda na nakasalubong nila ang dalawang suspek nang bigla silang batuhin ng isang bilog na hitsurang bola ng ‘ping-pong’ kaya tumakbo sila paiwas.

Nang pulutin ng ilang residente ay nadiskubreng pillbox ito na hindi naman pumutok. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALGECIRAS ST.

DANILO MIRANDA

EDISON DIZON

ERWIN CABILDO

ERWIN JOSE

INIHAHANDA

INIREKLAMO

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

RONALD SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with