Boarders ipaparehistro
MANILA, Philippines - Inihain kamakailan sa Manila City Council ang isang panukalang ordinansa na oobliga sa mga bed spacer at boarder na magparehistro sa kinaroroonang barangay.
Inakda ni Manila Vice Mayor at City Council presiding officer Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang panukala na sinupor tahan nina Councilors Ernesto Isip Jr., Ernesto Dionisio Jr. at Maria Shiela Lacuna-Pangan.
Nakasaad sa ordinansa na ang lungsod ng Maynila ay patuloy na nagiging destinasyon ng libu-libong estudyante at mga naghahanap ng trabaho.
Dahil dito, karapatan din ng mga may-ari ng mga boarding house na malaman ang tunay na pagkakakilanlan ng mga uupa sa kanilang bahay habang pansamantalang nanunuluyan.
Ang hindi pagkakarehistro sa mga barangay ay kadalasang paraan ng ilang mga sindikato para sa kanilang mga iligal na operasyon. (Doris Franche)
- Latest
- Trending