^

Metro

Kelot tinodas sa internet shop

-

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa kilalang armadong kalalakihan ang isang 24- anyos na lalaki sa loob ng isang internet shop, kama­kalawa sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa General Malvar Hospital ang biktimang si Roderick Fernandez, ng   Adama Extn.Purok-19,Unit-5 Brgy. Commonwealth, Q.C.

Nadamay at nasugatan sa insidente ang kasamahan nitong si Richard Fuentes, 17, nursing student.

Sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente ganap na alas-8:30 ng gabi sa Vic Boy Store and Internet Shop na malapit sa bahay ng mga biktima.

Sinasabing naglalaro ang dalawa ng computer games sa naturang internet shop nang pumasok dito ang pitong arma­dong kalalakihan at saka pina­ulanan ng bala si Fernandez at saka tinamaan naman ng ligaw na bala si Fuentes sa kanyang dibdib at kaliwang kamay.

Nabatid na humigit kumu­lang sa sampung tama ng bala ng baril ang inabot ng biktima at puro pumasok ito sa kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ADAMA EXTN

ANGIE

BRGY

CRUZ

FERNANDEZ

GENERAL MALVAR HOSPITAL

QUEZON CITY

RICHARD FUENTES

RODERICK FERNANDEZ

VIC BOY STORE AND INTERNET SHOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with