^

Metro

Sekyu nagbaril, patay

-

MANILA, Philippines - Dahilan sa umano’y hindi makayanang problema sa pera at matatanggal pa sa trabaho, isang 47-anyos na security guard ang nagbaril sa sarili kahapon sa Quezon City.

Nakilala ang biktimang si Agosto Gani­tano, ng Cove­ nant Security Ser­vices at na­katira sa Phase-10, Blk-83, Lot-6 Bagong Si­lang, Caloo­can City.

Ayon sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng biktima da­kong alas-8:30 ng umaga sa guard house ng Cabral Cmpd. na nasa St.Francis St. Torres Vill. Brgy. Nagkaisang Nayon Quezon City.

Sinasabing bago naganap ang krimen, nakausap pa ng isang Jepoy Abella ang bik­tima at dito naikuwento sa kanya ang malaking problema nito sa pera at ang naka­ambang pagkawala ng trabaho.

Matapos umanong maki­pagkuwentuhan ni Abella, iniwan na niya ang biktima sa naturang guard house ban­dang alas-8 kamakalawa ng gabi. Kinabukasan na nang ma­diskubre ang bangkay nito at mismong service shotgun nito ang siyang ipinutok nito sa kanyang dibdib.

Gayunman, iniimbestiga­han pa rin ng pulisya kung walang foul play sa naganap na pagkamatay ng biktima. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ABELLA

AGOSTO GANI

BAGONG SI

CABRAL CMPD

FRANCIS ST. TORRES VILL

JEPOY ABELLA

NAGKAISANG NAYON QUEZON CITY

QUEZON CITY

SECURITY SER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with