^

Metro

Pagbubunyag pa ng sumukong suspect: Tenga at ari ng amo, isinahog sa pansit

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, PHilippines - Halos masuka na ang prosecutor na humawak sa inquest proceedings ng suspek na kumatay sa amo nang ibunyag pa nito na inihalo niya sa paninda ng karinderya ang tinadtad na ari at tenga sa nakain ng mga kustomer.

Ayon sa suspek na si Srejan Sia, bukod sa pag­papakain sa mga alagang aso ng mga bahagi ng karne ng tao, isinahog niya umano sa pagluluto ng pa­nindang pansit canton ang ari at tenga at inihalo rin sa adobong manok, na kinain naman umano ng mga kus­tomer ng Bernadette Eatery.

Aniya pa, panay ang tanong umano ng mga kus­tomer, kakilala at ma­ging ang maniningil sa tindahan kung nasaan ang biktima na si Jimmy Pres­ton. Ikinakatwiran lamang niya na namimili ng panin­dang lulutuin.

Panay din umano ang reklamo ng mga kumakain dahil sa mabahong amoy ng karinderya subalit iti­nutuloy pa rin ang pagkain kapag idinadahilan niya na may patay na daga la­mang. Dahil dito, posibleng gigil na gigil na makaganti sa suspek ang mga naka­kain ng karne ng biktima, na inakalang masarap na karne ng baboy at manok lamang.

Kasabay nito, kasong robbery with homicide ang inihain ng Manila Police District-Homicide Section sa Filipino-American na si   Sia, matapos aminin na siya ang pumugot sa bitbit na ulo sa presinto at ku­sang sumuko dahil sa hindi malaman kung saan ilili­bing ang katawan ng bikti­mang si Jimmy Preston, 59, caretaker ng Berna­dette Eatery.

Nilinaw ni C/Insp. Erwin Margarejo, na non-bailable ang kaso ni Sia dahil sa bigat ng krimen kahit pa ito nagkusang sumuko da­kong 7:10 ng gabi sa MPD-Station 3, Plaza Miranda PCP. Hinihinala rin na may ‘sayad’ ang suspek, indi­kas­yon umano ng mga ikinilos nito. Ang suspek din ang nagturo sa pinag­lagyang improvised bath tub sa katawan ng biktima sa loob ng eatery.

vuukle comment

BERNADETTE EATERY

ERWIN MARGAREJO

JIMMY PRES

JIMMY PRESTON

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PLAZA MIRANDA

SHY

SIA

SREJAN SIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with