^

Metro

Inuman niratrat: 3 todas

-

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi, habang isa pa ang malub­hang nasugatan matapos na pagbabarilin ang mga ito ng hindi pa nakikilalang salarin habang nag-iinuman ang mga una kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nasawi noon din ang mga biktimang sina Sherwin Mariano, 26; Wally Maca­sinag at Oliver Sampaga, 22 sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Sugatan naman si Vener Revano, ng nabanggit pa ring lugar, nagtamo naman ito ng tama sa mukha.

Ayon sa ulat,  naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa kahabaan ng Sampaloc St., Brgy. 177, Camarin.

Nabatid na kasalukuyang nag-iinuman ang mga bik­tima sa nabanggit na lugar, ng bigla na lamang sumulpot ang hindi nakikilalang sus­pek na armado ng baril at walang sabi-sabing pina­ulanan ng putok ang mga biktima.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimen. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BLANGKO

BRGY

CALOOCAN CITY

LORDETH BONILLA

OLIVER SAMPAGA

SAMPALOC ST.

SHERWIN MARIANO

VENER REVANO

WALLY MACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with