^

Metro

3 pang bangkay natagpuan sa Quezon City

-

MANILA, Philippines - Tatlo pang bangkay na pawang biktima ng bagyong si Ondoy ang natagpuan sa lungsod Quezon kahapon.

Unang nakita ang bangkay ng isang 13-anyos na totoy na   si Jay Elopre, estudyante at residente sa West Los Angeles, Brgy. San Bartolome sa lungsod.

Si Elopre ay natagpuan palutang-lutang ng grupo ng mga batang mangangalakal sa may Tullahan River sa Brgy. Bagbag Novaliches sa lungsod pasado alas-6 ng umaga.

Ayon sa pulisya, ang bata ay iniulat na nawawala noong Sept 27, matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig dulot ng nasabing bagyo.

Bukod dito, dalawa pang hindi nakikilalang bangkay ng lalake at babae ang natag­puan kahapon ng alas-2:30 ng madaling-araw sa may gilid ng Marikina River sa Sitio Payong, Brgy. Old Balara sa lungsod.

Ang nasabing mga bang­kay ay nakita ng mga resi­dente habang natatabunan ng mga putik ang mga katawan.

Ayon sa QCPD, posibleng ang mga biktima ay galing sa kabilang kalye at inanod lamang sa nasabing lugar. (Ricky Tulipat)

AYON

BAGBAG NOVALICHES

BRGY

JAY ELOPRE

MARIKINA RIVER

OLD BALARA

RICKY TULIPAT

SAN BARTOLOME

SI ELOPRE

SITIO PAYONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with