^

Metro

Habambuhay sa pulis, 1 pa sa human trafficking

-

MANILA, Philippines - Habambuhay na pagkabilanggo ang hatol sa isang tauhan ng pulis at kaibigan nito matapos mapatunayang sangkot sa human trafficking.

Ibinaba ni Manila RTC Branch 9 Judge Amelia Tria-Infante ang hatol kina PO2 Dennis­ A. Reci at Feliciano Manansala matapos na mapatunayang nagkasala ng Qualified Trafficking ang pinakamabigat na kaso sa ilalim ng Anti-Trafficking in Persons Act (R.A. 9208).

Batay sa rekord ng korte, si Reci na noo’y pulis ay nagmamay-ari ng 8RC bar kasama ang kaibigang si Manansala na sinasabi namang nagsasagawa ng child prostitution. Ang naturang establisimento ang umano’y ginagawang front ng dalawa sa kanilang ilegal na aktibidades.

Lumilitaw na ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) matapos ang isinagawang pagma­man­man ng mga operatiba ng International Justice Mission (IJM) isang human rights agency na lumalaban sa human trafficking.

Una nang nakatanggap ng maraming reklamo ang IJM at ang pulisya hinggil sa illegal na gawain ng dalawa kung kaya’t agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa naturang bar noong Mayo 31, 2005. (Doris Franche/Ludy Bermudo)

vuukle comment

DORIS FRANCHE

FELICIANO MANANSALA

INTERNATIONAL JUSTICE MISSION

JUDGE AMELIA TRIA-INFANTE

LUDY BERMUDO

PERSONS ACT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUALIFIED TRAFFICKING

RECI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with