^

Metro

50 ba­rangay sa Quezon City isinailalim sa state of calamity ni SB

-

MANILA, PHilippines - Isinailalim na ka­hapon ni Quezon City Mayor Feli­ciano “SB” Belmonte Jr. sa state of calamity ang 50 ba­rangay sa Quezon City matapos salantain ng bag­yong Ondoy.

Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Bel­ monte na hanggang ka­hapong alas-11 ng umaga ay uma­abot na sa 27 ang na­matay, 100 ang nawa­wala sa lung­sod ka­ugnay ng pagha­gupit ng natu­rang bagyo noong nag­da­ang araw ng Sa­bado.

Patuloy din anya ang ginagawang pama­ma­hagi ng QC hall ng mga pagkain at iba pang pa­nganga­ilangan ng mga residenteng pansa­man­talang naninirahan sa mga evacuation cen­ter sa ngayon. Parti­kular na ina­ayu­da­han ang mga residente ng barangays Bagong Silangan, Tata­lon, Fair­view, Sta. Lucia, Sta. Monica, Old Balara, Ta­layan, Batasan, Roxas District, Ermin Garcia at Talipapa.

Anya, nagsa­gawa din sila ng pagse-census sa mga lugar sa Quezon City na binaha upang ma­ka­gawa ng dagdag na mga paraan kung pa­ano ma­iibsan ang epek­to sa­kaling maulit ang ga­nitong uri ng kala­mi­dad. (Angie dela Cruz at Ricky Tulipat)

BAGONG SILANGAN

BELMONTE JR.

ERMIN GARCIA

MAYOR BEL

OLD BALARA

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELI

RICKY TULIPAT

ROXAS DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with