^

Metro

Pagrepaso sa dengue cases hiling

-

MANILA, Philippines - Hiniling kamakailan ng Quezon City Health Department sa mga pam­­­publiko at pribadong ospital na repasuhin ang sistema ng paghawak nila sa mga kaso ng mga pasyenteng nagkasakit ng dengue para maiwa­san ang pagdami ng mga taong namamatay dito.

Sinabi ni City Health Department Head Dr. An­tonieta Inumerable na da­pat matukoy kung ano ang kakulangan ng mga os­pital na nagiging sanhi ng pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa dengue.

Batay sa naitala, 57 ang kaso ng namatay sa dengue mula Enero hang­­gang Agosto 31 ng taong kasalukuyan na mas ma­taas sa 31 kasong naitala noong nakaraang taon.

Sinabi ni Inumerable na lubhang nakaka­alarma ang pagtaas ng bilang ng namamatay sa dengue lalo pa at may mga rek­lamo ang pa­milya ng ilan sa nasawi na may pag­kukulang umano sa pangyayari ang ospital o tauhan nito.

May mga reklamo, ayon kay Inumerable, ma­tapos suriin at bigyan ng gamot na paracetamol ang pasyenteng may lagnat, pinapauwi na ito.

Matapos ang isa o dalawang araw, nagu­gulat na lang ang pamilya ng pasyente dahil nag­karoon ito ng dengue hemorrhagic fever na ikinamatay nito.

AGOSTO

BATAY

DR. AN

ENERO

HINILING

INUMERABLE

QUEZON CITY HEALTH DEPARTMENT

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with