^

Metro

2 pa todas sa guho at kuryente

-

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang na­sawi nang mabagsakan ng gumuhong pader ang kanyang barung-barong sa Barangay Sto. Niño, Parañaque City habang isa pa ring lalaki ang na­sawi nang makuryente sa loob ng kanilang opi­sina sa lungsod ng Pasay kamakalawa.

Dakong alas-9:00 na ng umaga kahapon ng matagpuan ang bangkay ni Juan Palero, 56, na lu­mulutang sa isang creek sa may Multinational Ave­nue sa Baran­gay Sto. Niño.

Ayon sa pulisya, na­katira sa maliit na barung-barong ang biktima sa gilid ng pader ng isang palengke sa Multinational Avenue na natabunan ng pader matapos na gu­muho ito dakong alas-2:00 kamakalawa ng hapon.

Isang company driver naman ang nakuryente habang naghahakot ng mga gamit sa binaha nilang tanggapan sa Automall sa EDSA Exit sa Pasay City kamakalawa ng tanghali. Hindi na umabot ng buhay sa San Juan De Dios Hospital si Rolando Lozada, nasa hustong gulang at naka­tira sa 2814 Violeta Court FB Harrison St., Pasay.

Naghahakot ng mga gamit sina Lozada mata­pos pasukin ng tubig-baha ang kanilang tang­ga­pan nang ma­tagpuan ito ng kanyang kasama­han na nangi­ ngisay na sa loob ng kusina.

Sa Muntinlupa City, tat­long bata naman ang iniulat na nawawala ma­karaang ragasain ng tubig buhat sa Laguna Lake ang mga kabaha­yan sa baybayin sa Brgy. Sucat.

Hindi pa naman ini­lalabas ang pangalan ng mga batang nawa­wala habang patuloy ang search and rescue ope­rations ng lokal na pa­ma­halaan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY STO

DANILO GARCIA

HARRISON ST.

ISANG

JUAN PALERO

LAGUNA LAKE

MULTINATIONAL AVE

MULTINATIONAL AVENUE

PASAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with