^

Metro

'Metro Manila, helpless'- BF

-

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando na walang magagawa sa naging sitwasyon kama­kalawa ng salantain ng ulan at malaking baha ang kalakhang Maynila bunga ng bagyong Ondoy.

“Talagang sa sitwas­yon na iyon, noong oras na iyon talagang walang maga­gawa. We are all helpless,” ayon kay Fer­nando sa isang programa sa radyo.

Inamin rin ni Fer­nando na sadyang hindi siya nagpa-interview sa media sa kasagsagan ng delubyo nitong Sabado dahil wala siyang ma­sabing positibo sa pub­liko at hindi niya kayang lokohin ang tao. 

Ayaw rin naman ni­yang mag-panic ang pub­liko dahil sa na­pa­kahirap na sitwasyon nila sa napa­kabagal na pag­papadala ng saklolo sa mga pa­milyang naiipit ng tubig-baha lalo na sa sarili niyang lungsod sa Marikina.

Sinabi ni Fernando na kulang na kulang ang kanilang rubber boats na gamit sa rescue operations at kinalaunan ay hindi rin naging epektibo dahil sa agad na na­ngabutas matapos na makalawit ng mga yero at matusok ng matatalas na mga bakal.

Sa monitoring ng MMDA, sinabi nito na napakabilis ng pag-akyat ng tubig-baha sa Mari­kina, Quezon City, Mon­talban, San Mateo at Cainta sa Rizal kung saan limang metro ang iniakyat nito mula alas-11 hanggang alas-12 ng tanghali nitong Sabado.

Dahil dito, maraming pa­milya ang hindi na naka­paghanda at hindi na na­isalba ang kanilang mga ari-arian dahil sa mabilis na lumagpas ng ikala­wang palapag ng bahay ang tubig-baha.

Umaabot rin sa 241 millimeters ang antas ng patak ng ulan kada oras na kanilang naitala. May average itong 410.6 mm (16 inches) na tumabon sa dating rekord na 334mm na naitala noong Hulyo 1967.

Sinisi naman ni Fer­nando ang matinding pagbabaha sa napaka­kikitid na creeks sa Metro Manila dulot ng pagta­tayo ng bahay ng mga squatters at pagtabon sa mga “naturang waterways” ng mga developer ng mga itinatayong sub­dibisyon na umano’y iligal sa batas.

Inihayag naman ka­hapon ng MMDA Metro­base Communication and Monitoring Center na mayorya ng mga kalsada sa Metro Manila ay ma­aari nang madaanan ng mga sasakyan maliban sa Pasig City, Marikina, ilang lugar sa Maynila at Calo­ocan, Malabon, Na­votas at Valenzuela. (Danilo Garcia)

COMMUNICATION AND MONITORING CENTER

DANILO GARCIA

MAYNILA

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

PASIG CITY

QUEZON CITY

SABADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with