^

Metro

7 patay sa sunog kahit umuulan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pitong tao ang na­sawi nang sumiklab ang sunog sa isang squatters area sa Barangay Ta­talon, Quezon City ka­­hapon ng madaling araw habang nasa ka­sag­sagan ng pagbu­hos ng malakas na ulan dulot ng bagyong “Ondoy.”

Ayon sa inisyal na ulat ni Senior Fire Officer 1 Mike Flores ng Central fire station ng Quezon City Police, nakilala ang mga na­sawi na sina Felisa Mercado, 56; Vi­vencio Lobentania, 7; Marin Loren Lauro, 6 buwang gulang; Joan Magca­rang, 24; Aaron Nataniel Magcarang, 5; Rina Ramos, 8; at Me­lanio Bondoco, 28, pa­wang mga residente sa Agno Extension, Baran­gay Tatalon.

Nagsimula ang su­nog pasado alas-6:00 ng gabi at bumubuhos ang ulan nang biglang uma­poy ang isang da­lawang pa­lapag ng ta­hanan sa na­sabing lugar.

Dahil pawang mga yari sa light materials ang mga tahanan ng mga residente ay ma­bilis na kumalat ang apoy na hindi napigilan ng tubig mula sa ulan hanggang sa tuluyang lamunin ang mga bahay dito.

Karamihan sa mga nasawi ay hindi na na­ka­labas pa ng kanilang ta­hanan nang simulang maglagablab ang mga ito kaya tuluyan nang maku­long at naging sanhi ng kanilang ka­ma­tayan.

Sinasabing, dahil ma­kitid ang kalye, nahi­rapan ang mga bum­bero sa pag-apula sa sunog na tuma­gal ng halos walong oras.

Nang isagawa ang clearing operations, nare­kober ang mga bangkay sa loob ng kani-kanilang tahanan na halos ma­tusta mata­pos madaga­nan ng mga nagbag­sakang kahoy mula sa kanilang bahay.

Ayon kay Flores sa inisyal na ulat, umabot sa 300 tahanan ang naabo sa sunog habang patuloy ang imbestigas­yon ng kanilang pamu­nuan upang ma­tukoy ang sanhi ng na­turang insidente at ha­laga ng ari-ariang naabo dito.

AARON NATANIEL MAGCARANG

AGNO EXTENSION

AYON

BARANGAY TA

FELISA MERCADO

JOAN MAGCA

MARIN LOREN LAURO

MIKE FLORES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with