MANILA, Philippines - Isang mataas na opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ang inaresto ng mga elemento ng LTO sa pakikipag-tulungan ng CIDU-CIDG-NCR sa isang entrapment operation sa loob ng Traffic Edjudication Service Office (TESO) ng LTO.
Kinilala ang nadakip na si Mr. Manuel Radaza, 63, ng B-119 Kagitingan Road, Cainta Rizal at kasalukuyang hearing officer ng LTO-TESO.
Si Radaza ay inaresto makaraang ireklamo ng isang Joemarie Makarucon , 38, driver ng Alley 3 St., Purok 5 Sitio Kumunoy, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City. Nang mahuli, nakumpiska mula dito ang tatlong mark money na P300 na sinasabing nakotong ng suspek mula sa biktima.
Makaraang maimbestigahan ni Atty. Eduardo Ocampo-LTO Legal Counsel, ang suspek ay dinala na sa Camp Crame para sa pormal na pagsasampa ng reklamo laban dito. (Angie dela Cruz)