^

Metro

7-anyos binugbog, pinaso pa ng posporo

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang ginang at ang kina­ ka­sama nitong tomboy ma­­tapos pagtulu­ngang gulpi­hin at pasuin ang 7-an­yos na batang babae na anak ng una dahil naihi lamang ang biktima sa kan­yang salawal habang ito ay natutulog kama­kalawa ng gabi sa Ca­loocan City.

Sinampahan ng ka­ song child abuse ang mga naka­kulong na suspek na sina Rowena Radin, 29; at live-in nitong si Leonora An­drade (tomboy), 24, pare­hong naka­tira sa Nadurata St., Maypajo ng lungsod na ito.

Samantala, ang biktima naman ay itinago sa pa­nga­lang Thelma, anak ng suspek na si Radin ay ginagamot sa President Diosdado Macapa­gal Memorial Medical Center sanhi ng mga pasa, latay at paso sa katawan.

Sa report ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi habang natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang maihi ito sa salawal na naging da­hilan upang mabasa ang mga unan at kumot.

Dahil dito, nagalit si Radin at pinaghahampas ng walis tingting at hanger ang anak kung saan pinaso naman ito ng may sinding posporo ni Andrade.

Natigil lamang ang gina­gawa ng mga suspek nang magdatingan ang mga ba­rangay tanod na tinawag ng mga kapit­bahay at nang ma­kita ang kaawa-awang biktima ay dinala ito sa nabanggit na pagamutan habang dina­kip naman ang mga sus­pek at dinala ang mga ito sa presinto.

vuukle comment

ANDRADE

CALOOCAN CITY POLICE

LEONORA AN

MEMORIAL MEDICAL CENTER

NADURATA ST.

PRESIDENT DIOSDADO MACAPA

RADIN

ROWENA RADIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with