^

Metro

Joy Belmonte tuloy na sa 2010 elections

-

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng nag-iisang anak na babae ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte, Jr., na si Joy Belmonte na tuloy na tuloy na ang kanyang pla­nong pagkandidato bilang bise alkalde sa lungsod sa nalalapit na 2010 elections sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Joy na mas minabuti niyang kumandidato bilang ka-ticket ni Vice Mayor Herbert Bautista na kakandidatong mayor dahil ma­rami na umano itong karanasan sa pulitika at maganda ang ipinakitang suporta ng bise alkalde sa kanyang ama mula nang umupo ito sa puwesto noong 2001.

Si Joy ang siyang Pangulo ng Volunteers Foundation na ak­tibong tumutulong sa mahi­hirap na taga-lungsod.

Anya, susundan niya ang yapak ng ama hindi lamang sa pagpapasigla ng ekonomiya sa lungsod kundi sa pagpapalakas ng serbisyo publiko na naging susi kung bakit patuloy na nagi­ging number 1 ang QC sa pinaka­mayamang lungsod at may pinakamahusay na ser­bisyo sa mamamayan.

Makakalaban ni Joy sa mga tatakbong Bise Alkalde sa QC sina 2nd District Councilor Aiko Melendez, Councilors Berna­dette “BH” Herrera-Dy (1st District), Janet “Babes” Malaya (4th District), at Dante de Guzman (3rd District). (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANYA

BISE ALKALDE

COUNCILORS BERNA

DISTRICT COUNCILOR AIKO MELENDEZ

JOY BELMONTE

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

SHY

SI JOY

VICE MAYOR HERBERT

VOLUNTEERS FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with